Timbog ang isang vendor sa ikinasang Search Warrant sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” sa Purok 3, Bubong Road, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City bandang 6:30 ng gabi nito lamang ika-23 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Christopher A Cabugwang, Chief, Cotabato City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Rakim”, 45 anyos, isang vendor, at residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto ng naturang suspek at pagkakakumpiska ng mga ebidensya dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba ng Cotabato City Intelligence Unit sa bisa ng Search Warrant.
Nakuha mula sa naturang operasyon ang isang unit M4 Carbine Cal. 5.56 mm na may serial number 9006015, apat na pirasong magasin ng M16, isang pirasong bandolier, isang pirasong sling bag, at 160 pirasong M16 na bala.
Binigyang diin naman ni City Director ng Cotabato City Police Office na si Police Colonel Joel Estaris, na ang pagkakahuli sa nasabing indibidwal ay may kaugnayan sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO dahil sa paglobo ng krimeng naitatala kasabay ng pagbati nito sa kanyang mga tauhan sa patuloy na pagpapaigting ng peace and order sa lungsod.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui