Urdaneta City, Pangasinan (January 31, 2021) – Isang ginang na nagtitinda ng mga laruan ang naaresto sa pamamagitan ng buy-bust operation na isinagawa ng kapulisan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at ng Urdaneta City Police Station noong ika-31 ng Enero 2022, bandang 1:45 ng madaling araw sa Brgy. Mabanogbog, Urdaneta City, Pangasinan.
Ang suspek ay kinikilalang si Mimina Makie y Gundul, 35 taong gulang, walang asawa, at nakatira sa Brgy. Guiset Sur, San Manuel, Pangasinan na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Nakuha mula sa suspek ang isang (1) heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na isang (1) gramo na nagkakahalaga na Php6,800; (12) heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 12 gramo na nakumpiska pagkatapos maaresto; isang (1) Php1000 na ginamit bilang marked money o buy-bust money at apat (4) na tig-isang libo na kopya na ginamit bilang boodle money.
Ang matagumpay na pagkakahuli ng nasabing suspek ay sa pagsisikap ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Pangasinan sa pangunguna ni Police Major Leo Llamas, Chief, PDEU at sa pakikipagtulungan ng Urdaneta CPS.
Ang operasyon ay naitala/na-capture gamit ang dalawang (2) alternatibong recording device ng itinalagang Data Custodian. Dagdag pa, isinalaysay ng operating personnel na ang accomplishment ng Confiscation Receipt ay isinagawa sa lugar ng operasyon kaugnay ng pagkumpiska ng mga piraso ng ebidensya, sa presensya mismo ng suspek at ng mga kinakailangang saksi.
Ang inyong kapulisan ay walang humpay ang pagsisikap para sa mapayapa na komunidad.
####
Panulat ni PSSg Marvin Jake E Romero
Husay ng mga alagad ng batas