Marinduque – Nirespondehan ng Gasan Municipal Police Station ang naganap na aksidente sa Brgy. Uno, Gasan, Marinduque noong ika-17 ng Enero 2024.

Nangyari ang naturang aksidente sa harap mismo ng Gasan MPS na agaran namang nirespondehan ng mga tauhan ng istasyon kasama ang BFP Gasan.
Ang biktima na nagtamo ng minor injury ay agarang isinugod sa Dr. Damian J. Reyes Memorial Hospital, Boac, Marinduque para mabigyan ng tulong medikal.

Ipinapaalala ng awtoridad na maging maingat sa anumang oras para makaiwas sa anumang disgrasya at para na rin sa sariling kapakanan.
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña