Urdaneta City – Naaresto ang isang vegetable vendor sa buy-bust ng kapulisan ng Urdaneta City nito lamang Sabado, Marso 12, 2022.
Kinilala ni Police Major Leo Llmas, Hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit ang suspek na si Hania Bucao Banisil, 22, vegetable vendor, residente ng Barangay Consolacion, Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Llmas, naaresto si Banisil bandang 12:20 ng madaling araw sa Barangay Sto. Domingo, Urdaneta City, Pangasinan ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit at Urdaneta City Police Station.
Ayon pa kay Police Major Llmas, nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php75,000 at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at Section 26b, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang ginagawang kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga upang tuluyan ng masawata ang mga kriminal na sumisira sa ating lipunan.
###
Saludo ako s mga alagad ng batas sa lahat mahuli