Cagayan de Oro City – 1st Anti-Criminality Operations through Recreational Development Approach o A.C.O.R.D.A kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day ay isinagawa ng Cagayan de Oro City Police Office nito lamang Mayo 1, 2023 sa Kiosko Kagawasan, Divisoria, Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang naturang aktibidad kasama ang iba’t ibang unit, National Intelligence Coordinating Agency at Force Multipliers.
Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang skills at talento ng bawat police station na may temang “BIDA si SPAG at KABATAAN ng KASIMBAYANAN sa Social Media”.
Ang aktibidad ay isang pamamaraan ng Cagayan de Oro City PNP na may layuning panatilihin ang pagkakaisa ng pulisya at mga stakeholders na magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng nasasakupang lungsod.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10