Nakiisa ang kapulisan ng Police Regional Office 2 sa buong hanay ng PNP sa isinagawang Pre-Launching ng Bagong Pilipinas Kick-Off Rally sa PRO2 Grandstand nitong ika-24 ng Enero 2024.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 24, series of 2023, ang Bagong Pilipinas Campaign ay magsisilbing tatak ng pamamahala ng administrasyong Marcos na humihiling ng malalim at pundamental na pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan, at nagtataguyod ng pangako ng Estado tungo sa pagkamit ng komprehensibong mga reporma.

Samantala, hinikayat naman ni PRO2 Regional Director, PBGen Christopher C Birung ang mga kapulisan at kawani ng PRO2 na suportahan ang Bagong Pilipinas tungo sa mapayapang komunidad na angkla sa 5-Focused Agenda ni Chief PNP Acorda.

“Ang Bagong Pilipinas ay kumakatawan sa isang komprehensibong diskarte sa pamamahala, isa na naglalayong tugunan ang iba’t ibang mga hamon na kinakaharap ng ating bansa at rehiyon at magbigay ng daan para sa isang mas maliwanag na hinaharap.”

“Ito ay isang panawagan sa pagkilos para sa lahat ng sektor ng lipunan na magsama-sama at aktibong makilahok sa pagbuo ng isang bansang sumasalamin sa ating pinagsasaluhang mga halaga at adhikain”, saad ni PBGen Birung.
Sa kabilang dako ay nagkaroon din ng pledge of commitment at ceremonial pinning ng Bagong Pilipinas badge para sa lahat ng kapulisan at kawani ng PNP sa buong bansa, upang pagtibayin pa ang mga programa ng gobyerno tungo sa isang maunlad na Pilipinas.
Source: PRO 2
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo