Zamboanga City – Isinagawa ang BIDA Validation na pinangunahan ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Acting Deputy Chief PNP for Administration, na ginanap sa Camp Colonel Romeo Abendan Mercedes, Zamboanga City noong ika-6 ng Setyembre 2023.
Mainit ang naging pagsalubong ni Police Brigadier General Bowenn Joey Masauding, Regional Director ng Police Regional Office 9, kay PLtGen Sermonia at kay Police Major General Eric Noble, Director ng Directorate for Investigation and Detective Management sa Zamboanga City International Airport.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng PRO9 Command Group, Regional Staff, mga Provincial at City Directors, mga Chief of Police at Advocacy Support Group.
Pahayag naman ni PLtGen Sermonia na ipagpatuloy lang ang mga isinasagawang aktibidad at programang nabanggit upang mapagtagumpayan ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Ang DILG at PNP ay nagtutulungan sa kampanya kontra ilegal na droga upang makamtan ang isang tahimik, payapa at maunlad na bansa.