Isabela – Umarangkada ang Valentine’s Day Pa-Kilig ng Tumauini PNP sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bulaklak, lobo at chocolates sa mga residente at motorista na dumadaan sa bayan ng Tumauini, Isabela nito lamang umaga ng ika-14 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang naturang aktibidad ay sa inisyatibo ng Hepe ng Tumauini PNP na si Police Major Charles Cariño kasama ang mga tauhan nito.
Makikita ang galak at matamis na ngiti ng mga dalaga, ginang at mga lola na nahandugan ng simpleng regalo ngayong araw ng mga puso.
Ang iba ay tila nahihiya pang tumanggap ngunit mapapansin ang kilig sa kanilang mga ngiti.
Layunin ng aktibidad na ito na makapaghandog ng kilig at matamis na ngiti sa mga residente ng naturang bayan.
Ito ay isa sa mga paraan ng kapulisan na lalo pang mapalapit sa puso ng mga mamamayan at maging panatag sila na hindi lamang sa paglaban sa kriminalidad ang tungkulin na ginagampanan kundi magdulot din ng kilig sa kanilang mga puso sa Valentine’s Day.
Source: Tumauini PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos