Alabel, Sarangani (February 24, 2022) – Arestado sa Davao City ang isang takas sa bilangguan noong Pebrero 14, 2022 sa Sarangani Provincial Jail sa Brgy. Ulas, Davao City noong Pebrero 24, 2022.
Ang operasyon upang mahuli ang suspek ay isinagawa ng binuong tracker team mula sa Sarangani PIU/PDEU, Sarangani Provincial Jail personnel, Provincial Security Group (PSG) Sarangani at Alabel Municipal Police Station.
Ang nasabing tumakas ay kinilalang si Libby Garcia y Fernandez, 42 taong gulang, binata at residente ng Pigkawayan, North Cotabato.
Kasalukuyang humaharap ang suspek sa mga kasong Carnapping sa ilalim ng Criminal Case no. 02264-21 at Paglabag sa Sec. 11, RA 9165 na may Criminal Case no. 02244-2, Regional Trial Court Branch 47, Alabel, Sarangani Province.
Ang suspek ay itinurn-over sa Sarangani Provincial Jail Facility sa Barangay Baluntay, Alabel, Sarangani Province.
####
Panulat ni Patrolman Jerrald R Gallardo
Tagumpay saludo ako s mga alagad ng batas