Lower Bicutan, Taguig City — Masigasig na nagsagawa ng Urban Gardening ang Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa South Signal, Barangay Hall, Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Hunyo 15, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PSSg Marvin Pababero sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Edgardo Tigbao, Chief, BCAS sa patnubay ni Police Colonel Lambert Suerte, Force Commander ng RMFB, NCRPO.
Tinalakay rito ang wastong pagtatanim ng mga punla ng gulay sa pamamagitan ng pagsasama ng mga recycable materials tulad ng mga plastik na bote.
Kasama din sa tinalakay ang patungkol sa ELCAC at VAWC sa 40 benepisyaryong residente ng lugar.
Namahagi din ng mga food packs at 50 IEC materials patungkol sa gender awareness, COVID-19 efficacy, Anti-Illegal Drugs at ELCAC.
Ang aktibidad na ito ay isa sa inisyatibo ng RMFB alinsunod sa core values ng PNP na“Makatao” at “Makakalikasan.” Naglalayon din na hikayatin ang ating mga kababayan na magtanim para sa ikakaganda ng ating kapaligiran.
Source: RMFB NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos