Isinagawa kaugnay sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE) at BARMM Parliamentary Election (BARMM PE) ang Unity Walk, Peace Covenant at Solidarity Pact Signing na ginanap sa Dapitan City Cultural and Sports Center, Barangay Sta. Cruz, Dapitan City nito lamang ika-17 ng Marso 2025.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dapitan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Philmore D Dumagat.
Nagsilbing Panauhing Pandangal at Tagapagsalita si Atty. Crystha Joyce Marie S. Tormis, City COMELEC Election Officer sa nasabing aktibidad.

Dumalo sa aktibidad ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Education, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection City Office, 904th Maritime Police, Bureau of Jail Management and Penology, at mga kinatawan mula sa sektor ng relihiyon.
Nakiisa rin ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups, force multipliers, at mga kandidatong pulitikal.
Kabilang sa programa ang recitation at seremonya ng pagpirma sa Solidarity Pledge, kasabay ng pagpapalaya ng mga kalapati na pinangunahan ng City COMELEC Officer na si Atty. Tormis.
Sinundan ito ng pagbibigay ng mga mensahe ng suporta mula sa mga katuwang na ahensya at ng isang forum para sa mga kandidato.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang ligtas, tumpak, maayos, at mapayapang pagsasagawa ng nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE) at BARMM Parliamentary Election (BARMM PE).