Matagumpay na isinagawa ang Unity Walk, Interfaith Rally, at Peace Covenant Signing na ginanap sa Jones Sports Complex, Jones, Isabela, nito lamang ika-19 ng Marso 2025.
Pinangunahan ito ng mga kapulisan ng Jones Police Station sa pamumuno ni Police Major Prospero A. Agonoy, Chief of Police, kasama sina Jericho John R. Cortez, Municipal Election Officer, LTC Empizo W. Angalao, Commanding Officer ng 86th IB, PA, na kinatawan ni 1st Lt Rigil P. Alcazar (INF) PA, FCInsp Lavander A. Baldovino, Municipal Fire Marshal, PLt Samuel G. Batara, 2nd IPMFC Platoon Leader at iba’t ibang sektor at kandidato.


Sinimulan ang aktibidad sa isang banal na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Herman Bughatti, Holy Rosary Parish Priest, na sinundan ng Unity Walk, Interfaith Rally at Integrity Pledge.
Nagbigay naman ng mensahe ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ipinaabot ang kanilang layunin na palakasin ang seguridad upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at isang matagumpay na halalan.
Lahat ng kalahok ay sabay-sabay na lumagda bilang tanda ng kanilang pangako na itaguyod ang isang malinis, tapat, at maayos na eleksyon. Bilang huling bahagi ng programa, nagpalipad ng mga lobo bilang simbolo ng kalayaan, katapatan, at kapayapaan sa pagboto.
Ang aktibidad na ito ay isang makabuluhang pagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.
Source: Jones Valley Cops
Panulat ni Pat Jerilyn Colico