Matagumpay na isinagawa ng Rizal PNP ang Unity Walk, Inter-faith Rally and Peace Covenant Signing for Secure, Accurate, Free/Fair Elections (SAFE) 2025 NLE and BARMM PE na ginanap sa Camp MGen Licerio I Geronimo, Cabrera Road, Barangay Dolores, Taytay, Rizal nito lamang ika-04 ng Pebrero 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Felipe B Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office katuwang ang Commission on Elections (COMELEC), Department of Education at iba pang ahensya.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A na pinamumunuan ni Police Colonel Meldrid E Patam, mga lokal na kandidato ng lalawigan ng Rizal, Religious Sectors, Advisory Council, Advocacy Support Groups, Mga Kabataan at College Students.
Dumalo rin ang mga Chief of Police ng Rizal, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines.


Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay may malaking kahalagahan sa pagpapalaganap ng kapayapaan at pagkakaisa sa bansa. Ito ay nagsusulong ng mutual na respeto sa pagitan ng iba’t ibang relihiyon at sektor ng lipunan, na tumutulong upang maiwasan ang hidwaan at kaguluhan.
Pinapalakas din nito ang pagtutulungan ng mga komunidad para tiyakin na ang halalan ay magiging tapat, maayos, at makatarungan. Ang paglagda sa peace covenant ay nagpapakita ng pangako ng bawat isa sa pagpapairal ng kapayapaan at integridad sa buong proseso ng halalan sa ganitong paraan, nakakamtan ang isang matatag at maayos na demokrasya.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng