Matagumpay na isinagawa ang Unity Walk and Peace Covenant Signing for Safe Midterm National and Local Elections (MNLE) 2025 na nagsimula sa Plaza Independencia at nagtapos sa Lipa Youth and Cultural Center para sa isang maikling program na ginanap sa Bayan ng Lipa City, Batangas nito lamang Pebrero 1, 2025.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Rix Supremo Villareal, Hepe ng Lipa Component City Police Station kasama si PLtCoL Constancio B. Malaluan, Deputy Provincial Director ng BPPO, Atty. Erlinda Candy T. Orense, COMELEC Officer ng Lipa.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A, na pinamumunuan ni Police Colonel Meldrid E Patam, mga lokal na kandidato ng Lipa City, Religious sectors, Business sectors, Advisory Council, Rotary Club of Lipa, Transport Operators and Drivers Association (TODA), Ang LGBTQ+ community, Philippine Rescue Volunteers Association, mga kabataan at estudyante mula sa University of Batangas – Lipa Campus, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, at Lipa City Colleges.
Dumalo rin ang mga kawani mula sa BFP, BJMP, Philippine Air Force, Love Lipa Foundation, International Inc., at Soroptimist International, iba’t ibang fraternity, tulad ng Lipa Eagles Club, Batangas Varsitarian, at Tau Gamma Phi, Lipa Chapter.
Itinataguyod ng aktibidad na ito ang isang malinis, patas, at mapayapang halalan na nagpapalakas ng demokrasya. Katuwang ang kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad upang matiyak ang isang ligtas at maayos na proseso. Higit sa lahat, layunin nitong palakasin ang diwa ng pagkakaisa at kapayapaan, hindi lamang sa araw ng halalan kundi sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Source: RPCADU 4A
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales