Narvacan, Ilocos Sur – Rumesponde ang mga tauhan ng Narvacan Municipal Police Station sa natagpuang Unexploded Ordnance sa District 4, Brgy. Quinarayan, Narvacan, Ilocos Sur nitong Linggo ng tanghali, Agosto 28, 2022.
Sa pangunguna ni Police Major Arcadio Viloria, Chief of Police ng Narvacan MPS ay kaagad nilang beneripika ang impormasyong iniulat ng may-ari ng bakuran na si Angelita Narce y Damasco.
Ayon kay Police Major Viloria, ang nasabing unexploded ordnance ay natagpuan ng mga miyembro ng Narvacan Christian Fellowship habang sila ay naghuhukay ng lupa sa bakuran ni Damasco sa District 4, Brgy. Quinarayan, Narvacan, Ilocos Sur upang gawing tapunan ng basura.
Ang narekober na unexploded ordnance ay nasa kustodiya na ng Ilocos Sur Police Provincial Office 2nd District Explosive and Canine Unit (ISPPO 2nd DECU) para sa tamang disposisyon.
Ang PNP ay nagpapasalamat sa walang sawang pakikipagtulungan ng mamamayan para sa mas ligtas na pamayanan at patuloy na hinihikayat na huwag mag-atubiling iulat ang anumang kakaibang bagay na mapapansin sa kapaligiran.
Source: Narvacan Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad