Pasay City – Kumpiskado ang unclaimed outbound at inbound parcels na naglalaman ng hinihinalang shabu sa NAIA Complex, Andrews Ave, Pasay City nitong Marso 16, 2023.
Ito ay bunga ng pinagsamang pwersa ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group and PNP AVSEGROUP’s Cargo Airport Police Station.
Ayon kay Police Colonel Rhoderick Campo, Chief of Aviation Security Unit NCR, na ang mga nakumpiskang ilegal na droga mula sa apat (4) na outbound parcels ay naglalaman ng humigit kumulang 5 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride na may kasalukuyang street value na Php34,000; 100 piraso ng Nitrazepam; higit pa o mas mababa sa 2 gramo ng MDMA; at 60 piraso ng Zolpidem; humigit kumulang isang (1) gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kasalukuyang street value na Php120 at ang isang (1) inbound parcel na naglalaman ng more or less 4,500 ml ng likidong marijuana (Cannabeer) na may kasalukuyang street value na Php177,043.80.
Samantala, nasaksihan ng kinatawan ng DOJ kasama ang media representative at barangay councilor ng Brgy. 19, ang mga piraso ng ebidensya na maayos na inimbentaryo, minarkahan at nakuhanan ng litrato ng mga miyembro ng NAIA IADITG.
Pinuri naman ng Director ng AVSEGROUP, ang pagbabantay ng lahat ng ahensyang sangkot sa seguridad sa paliparan laban sa pagpasok at paglabas ng mga ipinagbabawal na droga at iba pang mapanganib na sangkap sa bansa.