Arestado ang isang (1) suspek at umabot sa Php1.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng otoridad sa ikinasang operasyon kontra iligal na droga sa Bulacan noong Nobyembre 1 taong kasalukuyan.
Sa bahagi ng panayam kay PCol. Manuel M Lukban, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, isinagawa ng pinagsamang pwersa ng CSJDM DEU, Bulacan PPDEU-PIU at SDEUPNP DEG, SOU-4B ang buy-bust operation sa Daang Barrio, Brgy. Gaya Gaya, San Jose Del Monte, Bulacan.
Bilang resulta, nahuli ang suspek na kinilalang si Anthony Montefalcon, 45 taong gulang, food delivery driver at residente ng 6019 Tramo 1, San Isidro, Sucat, Paranaque.
Nakuha mula sa suspek ang isang (1) piraso ng Php1,000; 200 piraso ng Php1,000 boodle money; (1) isang paper bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 250 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,700,000; isang Oppo Android cellphone; at mga ID.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
#####
Article by Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos