Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Underground Mass Organization sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang ika-06 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Roy”, 38 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Nawi, Paranas, Samar at miyembro ng Parag-uma, SRC BROWSER.
Ang matagumpay na pagbabalik-loob nito ay resulta ng patuloy na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 8 at 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Ang nasabing sumuko ay nasa kustodiya ng 2nd Samar PMFC para sa facilitation ng kaniyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating miyembro ng UGMO ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso nang wakasan ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na ligtas, mapayapa at maunlad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian