Nagsagawa ng Two-Day Special Government Frontline Services ang Directorate for Police Community Relations at Police Community Affairs and Development Group sa pakikipag-ugnayan sa PNP OLC Foundation, Inc. kaugnay sa pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ginanap sa Foundation Hall B, 4th Floor ng PNP Training Service ngayong araw ng Agosto 8, 2024.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Roderick Augustus B Alba, Acting Director ng Directorate for Police Community Relations ang nasabing aktibidad at kasama na nagbigay ng kanilang mensahe at suporta ang butihing maybahay ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Mrs. Mary Rose P Marbil, Adviser ng PNP OLCFI at Mrs. Leilani Salem-Alba, President ng PNP OLCFI.

Handog sa ating mga kapulisan at kanilang mga pamilya ang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad na lamang ng Department of Foreign Affairs-Passport on Wheels (POW) para sa bagong pagkuha at pag-renew ng passport, Philippine Statistics Authority sa pagkuha ng Birth Certificate, Marriage Certificate, CENOMAR, Death Certificate at National ID, para naman sa Commission on Elections ay para sa voters ID at registration, Land Transportation Office na may serbisyo na hatid ay license processing, at Armscor Services Center, Inc.

Layunin ng aktibidad na ito na tulungan ang ating mga kapulisan at kanilang pamilya na mapabilis ang pagproseso ng kanilang kinakailangan na dokumento at lubos na makakatutok ang mga kapulisan sa kanilang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko.