Pinangunahan ni PMGen Rodolfo Azurin Jr., Director for Comptrollership ang isinagawang blessing at turn-over ng mobile vehicles sa Police Regional Office Cordillera (PROCOR), Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Nobyembre 18, 2021.
Dumalo sa naturang aktibidad si Congressman Eric Go Yap, ang House Committee on Appropriation, 17th Philippine Congress bilang panauhing pandangal at tagapagsalita kasama si Governor Melchor Diclas at 13 lokal na mayors sa lalawigan ng Benguet.
Nasa tatlumpo (30) na units ng Patrol Jeep Single Cab (4×2) at anim (6) na units naman ng personnel carrier ang naturn-over sa PROCOR na malugod namang tinanggap ni PBGen Ronald O Lee, Regional Director, PROCOR.
Bukod pa dito, pinangunahan din ni Congressman Yap ang blessing ng bagong quarantine facility ng PROCOR kasabay din ng paglunsad ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan o KASIMBAYANAN alinsunod sa programa ng Pambansang Pulisya na Enhanced Revitalized PNP Internal Cleansing Strategy na naglalayong paigtingin ang ugnayan ng mga kapulisan at simbahan.
#####
Panulat ni: Police Corporal Melody L Pineda