Matagumpay na naisagawa ang Turnover Ceremony ng mga bagong pasilidad tulad ng Police Clearance Office, Mess Hall, at Prayer Room ng Matanog Municipal Police Station sa Matanog, Maguindanao del Norte nito lamang ika-1 ng Mayo 2025.
Pinangunahan ang seremonya nina Kgg. Zohria Saglayan Bansil- Guro, Municipal Mayor ng Matanog, at Kgg. Sanaira Ibay Ali Imam, Vice Municipal Mayor, kaisa si Police Colonel Eleuterio M Ricardo Jr. Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, at ibang personahe ng Matanog MPS.
Malaking tulong sa mamamayan ang bagong Police Clearance Office sa mas mabilis at maayos na pagproseso ng mga dokumento.
Samantala, ang Mess Hall at Prayer Room ay magsisilbing suporta sa pisikal at espiritwal na pangangailangan ng mga pulis na nakatalaga sa istasyon.
Ang proyektong ito ay isang hakbang tungo sa mas matatag na pamahalaang lokal, mas pinalakas na kapabilidad ng kapulisan, at mas pinatibay na tiwala ng publiko tungo sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.