Isinagawa ang turnover ceremony ng mga narcotics detection dogs para sa mga kalahok mula sa Davao del Norte Police Provincial Office na ginanap nito lamang Enero 20, 2025 sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Capitol Compound, Davao del Norte.
Ang kaganapan ay pinangunahan ni Gobernador Edwin I. Jubahib, na kinatawan ng kanyang Executive Assistant IV, Leomel O. Puerto. Kabuuang sampung K-9 na kwalipikadong aso ang na-turnover upang magamit sa pag-detect ng mga narkotiko sa mga operasyon laban sa droga.
Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang bahagi ng mga hakbang ng Davao del Norte PNP upang mapalakas ang kakayahan sa pagpapatupad ng batas at mapabuti ang kaligtasan ng publiko sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino