Leyte – Isinagawa ang Turn-Over of Command para sa Incoming at Outgoing Regional Director ng Police Regional Office 8 na ginanap sa PRO 8 Multi-Purpose Hall, Camp Sec. Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nito lamang Sabado, Mayo 6, 2023.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Lieutenant General Patrick Villacorte, Commander ng Area Police Command-Visayas bilang Presiding Officer at Guest of Honor and Speaker.
Pamumunuan ni Incoming Regional Director, Police Brigadier General Vincent S Calanoga ang PRO 8 habang si Outgoing Regional Director, Police Brigadier General Rommel Francisco D Marbil naman ay pamumunuan ang Directorate for Comptrollership.
Bago ang kanyang tungkulin sa rehiyon, si PBGen Calanoga ay namuno sa Philippine National Police Human Rights Affairs Office (HRAO).
Siya rin ay alumnus ng Philippine National Police Academy (PNPA), “TAGAPAGKALINGA” Class of 1991.
Tiniyak niya na ipagpapatuloy ng PRO 8 ang walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga, anti-criminality at insurgency.
Binigyang-diin din niya na mas lalong makipagtulungan sa Local Government Unit dahil nais niyang lubos na mapalapit sa komunidad para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Sa kanyang mensahe, ibinibigay ni PBGen Calanoga ang kanyang 100% na tiwala sa mga tauhan ng PRO 8 na gagampanan nila ng tapat ang kani-kanilang mga tungkulin at responsibilidad alinsunod sa ethical standards.
Dagdag pa niya, “We will have a more frequent performance audit to make sure that all personnel fully understand, appreciate, and embrace their respective responsibilities as human rights duty bearers”.