Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City – Isinagawa ang Turn-Over of Command ng Incoming at Outgoing Regional Director ng Police Regional Office 13 nito lamang Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.
Ang seremonya ay pinangunahan mismo ni PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin Jr., kung saan pamumunuan ni Incoming Regional Director, Police Brigadier General Pablo Gacayan Labra II ang PRO13 habang Si Outgiong Regional Director, Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. naman ay papamunuan ang Directorate for Intelligence alinsunod sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) General Orders Number NHQ-GO-DES-2022-4767 na epektibo nito lamang Octubre 30, 2022.
Si PBGen Labra II ay isa sa mga miyembro ng “TAGAPAGLUNSAD” Class 1993 ng Philippine National Police Academy na nagkaroon na ng maraming trainings sa operations, intelligence at investigation at nakapagtapos din ng master’s degree ng Public Administration at Bachelor of Laws sa University of Visayas.
Bago pamunuan ang PRO13, naging Chief ng Cebu Intelligence Unit, Chief ng Regional Intelligence Division 7, Director ng Intelligence Training Group ng Directorate for Intelligence, naging isa sa mga Police Attache sa Malaysia ng dalawang taon, Provincial Director ng Sulu at naging Chief ng Regional Staff, Deputy Director for Operations, Deputy for Director for Administration at Regional Director ng PRO Bangsamoro Autonomous Regional (BAR).
Tiniyak naman ni PBGen Labra II na ang mga programang ipapatupad niya sa rehiyon ay naaayon sa programa ni CPNP na MKK=K at tinanggap ang hamon na ipagpapatuloy at mas hihigitan pa ang mga naging tagumpay ng Outgoing Regional Director.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13