Bohol – Naisakatuparan ng mga tauhan ng Bohol Police Provincial Office ang Turn-over Ceremony ng Bahay Ko, Gasa Project sa Brgy. Mayacabac, Dauis, Bohol nito lamang Miyerkules, Oktubre 25, 2023.

Ang aktibidad ay aktibong pinangunahan ni Police Colonel Lorenzo Alfeche Batuan, Provincial Director ng Bohol PPO, katuwang ang Provincial Community Affairs and Development Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Norman Lobregas Nuez, Dauis Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Thomas Zen B Cheung, Chief of Police.
Kabilang sa mga nakilahok sa aktibidad ang Local Government Unit ng Dauis na dinaluhan ni Hon. Roman B Bullen, Municipal Mayor at Faith-Based Group ng lugar.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mr. Rufino Dolauta sa mga kapulisan at sa lahat ng tumulong na maisakatuparan ang pagbibigay sa kanya ng bahay na kanyang matitirhan.

Ang Bohol Police Provincial Office ay patuloy sa magbibigay at maghahandog ng tapat na serbisyo publiko sa kanilang mga kababayan na lubos na nangangailangan lalo na ng bahay na masisilungan at naglalayong mas lalo pang patatagin ang magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.