Taguig City — Nagsagawa ng Turn-over ng Newly Constructed Disposal Tank, Renovated Comfort Room at Distribution of food packs ang Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa Blue Masjid Maharlika, Village Taguig City nito lamang Miyerkules, Disyembre 7, 2022.
Ang aktibidad ay personal na tinungo ni RMFB Force Commander, Police Colonel Jonathan Calixto na pinangunahan ng tauhan ng 7th MFC sa pamumuno ni Police Captain Jul Musa Saat, Company Commander.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan din nina Dr. Morena “Mong” Cañizares, Chairman, Battalion Advisory Council; Ms. Tara Bunch, President FNKN; at Mr. Imad Ammar, Vice President/Spokesperson FNKN kaagapay ang Rotary Club .
Nakatanggap ng tatlong Wheelchair sina Talib Abatay Manibpel, Meten Tagao at Faisal Kimpao mula kay Ginoong Joseph “Buddy” Madrigal.
Namahagi din ang grupo ng limang sakong bigas sa Admin ng Blue Masjid at grocery packs na ibinigay naman sa mga dumalo.
Laking pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na mga biyaya at nagpapasalamat din ang mga kapatid na muslim dahil sa maganda at maayos na pasilidad.
Ito ay alinsunod sa programa ng pulisya na M+K+K=K, kung saan dapat nating ipakita at iparamdam sa ating mga kababayan ang malasakit upang magkaroon ng Peace and Order sa bawat isa tungo sa pag-unlad ng ating bansa.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos