Sinorpresa ng PNP Isabela ang dalawang lola ng bagong tungkod mula sa naipon nila sa Patrol Base Alkansya (PSB) sa Brgy. Villaflor, Cauayan City, Isabela nito lamang Linggo, Mayo 22, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dennis Pamor, Force Commander ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company, napili ng kanilang hanay sina Nanay Veronica Leonardo at Nanay Mery Ramos na pawang mga residente ng nasabing barangay bilang mga benepisyaryo ng kanilang programa.
Dagdag pa ni PLtCol Pamor, ang mga naipon na barya sa kanilang Patrol Base Alkansya (PSB) ay ibinili nila ng adjustable aluminum single old man’s cane (tungkod) upang palitan ang luma at sira-sira na gamit nina Nanay Veronica at Nanay Mery na gawa sa kahoy.
Sinimulan ng mga miyembro ng 2nd IPMFC ang kanilang programang PSB noong Hunyo ng nakaraang taon. Iniipon nila ang mga sobrang pera na nakalaan para sa kanilang pagkain na pinag-aambagan ng bawat miyembro ng kanilang hanay.
Una na silang nakapagbigay ng libreng wifi at silid palikuran para sa mga matatanda sa nasabing barangay.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hindi nila inaasahang biyaya mula sa mga pulis na itinuring na din nilang mga anak.
Samantala, siniguro naman ng Isabela PNP na hindi sila titigil sa pagsulong at pagbuo ng mga programa upang makatulong at makapagpasaya sa mga Isabelino.
Source: 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes