Nagsagawa ang Tumauini PNP ng Ceremonial Unveiling of Drug-Free Workplace sa Tito Sotto Hall, Municipal Bldg., Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela nitong ika-20 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Michael Aydoc, Chief PCADU ng Ilagan Police Provincial Office, at PMaj Charles Cariño, Chief of Police ng Tumauini Police Station.
Dumalo sa aktibidad sina Dir. II Christy E Silvan, Assistant Regional Director, PDEA at Agent Daryl P Damaso, Asst. Provincial Officer PDEA, Isabela kasama ng Tumauini LGUs.
Nagpahayag ng pasasalamat si Dir. Silvan sa malaking tulong ng kapulisan at mga Barangay sa resulta ng programa laban sa ilegal na droga.
Nagpahayag naman ng muling paghimok si PLtCol Aydoc sa mga opisyales ng barangay na manatiling makiisa sa kapulisan sa pagsugpo sa ilegal na droga sa komunidad.
Source: PIO Isabela, PPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos