Muling nagsagawa ang Tumauini PNP ng kanilang Best Practice na “Usap at Kape, Tulay sa Mapayapang Barangay” bandang alas 7:00 ng umaga ng ika-3 ng Abril 2025 sa Barangay Bayabo East, Tumauini, Isabela.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Melchor A Aggabao Jr, Chief of Police, kung saan kanyang ibinahagi ang iba’t ibang batas katulad ng Republic Act 9165, RA 4136, NTF-ELCAC E.O 70, Katarungang Pambarangay, at ibang paalala para sa nalalapit na 2025 NLE.
Kasama din si Police Captain Pedro Allam, Deputy Chief of Police, na kanya namang ibinahagi ang iba’t ibang Ordinansa sa bayan ng Tumauini.
At sa panghuli ay tinalakay ni PMSg Emmalyn R Muñoz, Chief, WCPD, ang patungkol sa RA 8353, RA 7610 at RA 9262.
Namigay din ang kapulisan ng mga IEC materials na naglalaman ng safety tips patungkol sa mga nasabing Batas.
Muling nananawagan ang kapulisan ng patuloy na pakikipagtulungan ng komunidad upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bayan ng Tumauini.
Source: Tumauini Police Station Mcad
Panulat ni Pat Jerilyn Colico