Matagumpay na nakapaghandog ng tulong ang mga tauhan ng Mabini Municipal Police Station para sa mga kabataan sa Mabini, Bohol nito lamang ika-3 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Angelo Pancratieus V Cabrera, Chief of Police ng Mabini Municipal Police Station, katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar at si Mrs. Merlyn Clemensen na piniling ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay ng masustansyang pagkain.
Ayon kay Police Lieutenant Cabrera, naisakatuparan ang aktibidad bilang pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ayon pa rito, ang kaligayahan ng isang bata ay walang kapantay at mananatiling isang malaking bahagi ng kanilang kabataan.
Matamis na ngiti at pasasalamat naman ang naging tugon ng mga bata na nabigyan ng biyaya na handog ng kapulisan.
Layunin ng Mabini PNP na mapanatiling ligtas ang ating komunidad lalo na ang mga bata at mas lalo pang mapagtibay ang naumpisahang magandang ugnayan.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido