Cauayan City, Isabela (January 16, 2022) – Tunay na isinakatuparan ang isa sa apat na Core Values ng Philippine National Police (PNP) na Makatao ng dalawang (2) pulis ng Cauayan City. Ang mga pulis ay nagpakita ng kanilang kabutihang-loob sa mga batang musmos na kapus-palad sa Cauayan City, Isabela noong Enero 16, 2022.
Nakilala sina Police Master Sergeant Ventura at Police Staff Sergeant Nabong na kasalukuyang nakadestino sa Cauayan City Police Station (CCPS) kung saan naganap ang pagtulong.
Ayon sa panayam, ang dalawang (2) batang musmos na mangangalakal na kinilalang sina Ared, 9-year old at Jasper, 6-year old ay lumapit sa dalawang pulis na naka duty sa himpilan at humihingi ng pagkain sa kadahilanang di pa sila kumakain.
Ayon naman sa magkapatid, sila ay nangangalakal ng mga basura upang makatulong sa kanilang magulang at sa iba pa nilang maliliit pang kapatid.
Walang kibot namang tumulong ang mga pulis. Pinakain nila ang mga ito sa kalapit na karinderia at dinala din sila sa barberya upang magupitan ang kanilang mahahabang buhok. Bukod pa sa mga ito, sila pa mismo ang naggupit ng mahahabang kuko ng mga bata.
Naniniwala ang mga pulis na sa kahit sa maliit na paraan na kanilang ginawa ay sapat na upang maipadama ang malasakit sa mga bata dahil dama nila ang hirap ng dalawang bata na sa kanilang murang edad ay ninanais nilang makatulong sa kanilang mga magulang kahit na sa panahon ng pandemya.
#####
Panulat ni Patrolman Noel Lopez
Great work salamat s mga kapulisan