Umabot sa 50 na pamilya ang napag-abutan ng serbisyo at tulong mula sa pamahalaan sa patuloy na pag-arangkada ng “Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery” sa Concepcion, Tarlac noong ika-19 ng Oktubre.
Sa pamamagitan ng programang ito ay nagtulong-tulong ang iba’t ibang ahensya kasama na dito ang mga kapulisan ng Concepcion MPS na pinangunahan ni PLtCol Jim P Tayag, Acting Chief of Police, Barangay Chairman Edmon Alfonso, DILG, LGU ng Concepcion, Tarlac, MSWD, MENRO, Department of Agriculture, Treasury Office, MHO, Water District, TARELCO, TESDA, 1st PMFC, RMFB PRO 3, Jelexie Bakeshop, at RCS Supermarket upang makapagbigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga residente ng nasabing lugar.
Kasabay nito ay nabigyan din ng mga food packs ang 50 pamilyang labis na naapektuhan ng pandemya dulot ng COVID-19.
#####
Article by Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos