Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Mabuhay sa kanilang programang “Tulong Dunong” para sa mga kabataan ng Purok 1 at 2, Brgy. Mabuhay, Carmen Davao del Norte sa pangunguna ni PLT CRISANTO S QUIBRAR Team leader.
Hangad nito na patuloy na mabigyan ng kaalaman at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa lalo na ang mga kabataang hirap makapag-aral dahil sa nararanasang pandemya. Ang pagtuturong ito ng R-PSB Mabuhay ay alinsunod din sa programang “Karunungan ng Kabataan, si TROJAN ang Maaasahan” ng 2nd Davao Norte Provincial Mobile Force Company.
Itinuturo rin ng R-PSB Mabuhay ang pagkanta ng “Pilipinas Kong Mahal” at pagpapalabas ng mga video clips upang ipaintindi at pagyamanin ang kanilang pagiging makabayan gayundin ang kanilang values formation na mahalaga sa kanilang paglaki.
Malaki ang naging pasasalamat ng mga magulang ng mga bata dahil malaking tulong para sa kanila ang ginagawang pagtuturo ng R-PSB Mabuhay. Maliban dito, sila ay namahagi din ng mga uniporme para sa mga bata sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Carmen, Davao del Norte.
Source: RPSB Mabuhay
####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche Moraera
Wow! Salamat po saa ating Pulis-Titser.
iba talaga ang pnp.. pulis na, teacher pa!! galing naman!
Salamat pnp
Napaka galing ng PNP, SALUTE