Nagsagawa ng Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan ang Lokal na Pamahalaan ng South Upi sa Maguindanao kasama ang mga Kapulisan ng South Upi Municipal Police Station (MPS) at iba pang mga ahensya noong Nobyembre 16. Dinalaw ng grupo ang Barangay Kuya sa South Upi na tahanan ng Tribong Teduray, isa sa mga pinakakilalang Indigenous People sa bansa.
Pinangunahan ni Police Major Michael B Tinio, hepe ng South Upi MPS, ang aktibidad na mayroong dalawapung benipisyaryo. Nakatanggap sila ng tulong na de-kahon na naglalaman ng mga hygiene kits at pagkain.
Kasama ng kapulisan ang South Upi Municipal Health Office at Municipal Agriculture Office na nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon at mga benepisyo na maaaring mapakinabangan ng mga residente.
Ito ay bahagi ng malawakang Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan na isinasagawa sa buong bansa ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan upang dalhin sa malalayong lugar ang serbisyo publiko at tulong ng pamahalaan.
#####
Pinagmulan: Police Corporal Mama, PIS PNCO PRO BARMM at Panulat ni PCpl Grace Neville L Ortiz
Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan Towards National Recovery