Monday, April 28, 2025

Tulak ng droga, timbog!

Timbog ang isang 43-anyos na tulak ng droga makaraang mahuli sa bitag na inihain ng mga operatiba ng GenSan PNP at mahulihan ng tinatayang nasa Php115,600 halaga ng ilegal na droga nito lamang Pebrero 18, 2024.

Kinilala ni Police Colonel Nicomedes P Olaivar Jr., City Director ng General Santos City Police Office (GSCPO), ang nahuling suspek na si alyas “Jovannie”, na nakatira sa Barangay Lagao, General Santos City.

Ayon kay PCol Olaivar Jr., dakong alas-9:12 ng gabi nang ikinasa ng mga tauhan ng GSCPO-Police Station 6 ang operasyon sa may Aradaza Street Barangay Lagao ng naturang siyudad.

Dito ay hindi na nakapalag ang suspek sa mga awtoridad makaraang makabili sa kanya ang police poseur buyer ng ilegal na droga kung saan nasamsam mula sa kanya ang mahigit-kumulang 17 gramo ng hinihinalang shabu.

Sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PBGen Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga operatiba ng General Santos City PNP sa kanilang matagumpay na operasyon at pinahusay na kampanya kontra kriminalidad partikular na sa ilegal na droga upang isulong ang kaayusan at kapayapaan ng lungsod alinsunod sa pangunahing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na maging drug-free ang mga komunidad sa buong bansa.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,540SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles