Tacloban City – Arestado ang isang lalaking tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tacloban City PNP nito lamang Huwebes, Mayo 26, 2022.
Kinilala ni Police Major Winrich Laya Lim, Chief of Police ng Tacloban City Police Office ang suspek na si alyas “Wawot”, residente ng Brgy. 91, Abucay, Tacloban City.
Ayon kay PMaj Lim, naaresto si alyas “Wawot” bandang alas 9:00 ng gabi sa Sergio Osmeña Ave. Brgy. 91, Abucay, Tacloban City ng mga operatiba ng Police Station 2, Tacloban City Police Office at PDEA Region 8.
Ayon pa kay PMaj Lim, nakumpiska mula sa suspek ang 9 heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may bigat na 8 gramo na may tinatayang halaga na Php55,000, buy-bust money, isang pirasong orange pouch na naglalaman ng 38 piraso na live ammos at dalawang pirasong fired cartridges case (cal. 38) at isang unit na black mio scooter.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng COMELEC Gun Ban.
Ang patuloy na operasyon ng PNP kontra ilegal na droga ay mas lalo pang papaigtingin upang makamit ang isang ligtas, payapa at malinis na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez