Lanao del Sur – Nakiisa ang mga tauhan ng Tugaya Municipal Police Station sa isinagawang Tree Planting Activity kaugnay sa pagdiriwang ng ika-64th Araw ng Lanao del Sur sa Brgy. Campong Talao, Tugaya, Lanao del Sur noong Hulyo 3, 2023.
Pinangunahan ni PCpt Vilma Dimaraw, Chief of Police, Tugaya MPS, ang nasabing pakikiisa katuwang ang Tugaya Bureau of Fire Protection, Tugaya Local Government Unit, Tugaya Municipal Disaster Risk Reduction Office, at Campong Talao Barangay Local Government.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-64th Araw ng Lanao del Sur na layuning buhayin ang ganda ng kapaligiran at pagyamanin ang likas na yaman sa pamamagitan ng ganitong aktibidad. Gayundin upang makabawas sa init na dala ng global warming.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng isa sa mga core values ng PNP ang “Makakalikasan”. Ang ganitong mga gawain ay upang pagyabungin din ang magandang ugnayang ng pulisya at komunidad para nakamit ang kaayusan tungo sa maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia