Patuloy sa pagbibigay ng seguridad ang mga tauhan ng Tubay Municipal Police Station sa isinagawang Via Crucis (Way of the Cross) ng Saint Ann Parish Church na ginanap sa Barangay Poblacion 1 at Poblacion 2, Tubay, Agusan del Norte nito lamang Abril 18, 2025.
Pinangunahan ni Police Major Lizandro T. Leopardas, Hepe ng Tubay MPS, ang nasabing gawaing panrelihiyon na sinimulan dakong 4:00 ng madaling araw na dinaluhan ng maraming deboto at mananampalataya bilang bahagi ng paggunita sa Mahal na Araw.


Ang presensya ng mga kapulisan ay nagbigay ng katiyakan sa kaligtasan ng mga kalahok at nakatulong sa maayos at mapayapang daloy ng prusisyon.
Ang ganitong mga kaganapan ay may malaking kahalagahan para sa mga Katoliko, lalo na sa Biyernes Santo, isang araw ng taimtim na pagninilay at paggunita sa sakripisyo ni Hesukristo para sa sangkatauhan.
Sa pamamagitan ng Via Crucis, naipapaalala sa bawat deboto ang kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, at pagbabalik-loob sa Diyos.
Ang aktibong pakikiisa ng Tubay PNP sa mga ganitong aktibidad ay patunay ng kanilang taos-pusong paglilingkod at malasakit sa komunidad. Ipinapakita nito ang kanilang panata sa isang ligtas at mapayapang sambayanan—isang konkretong hakbang tungo sa adhikain ng Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Karen Mallillin