Nagsagawa ng Information Drive tungkol sa Republic Act 9165 ang mga tauhan ng Tubay Municipal Police Station na ginanap sa Mangrove Tourism Building, Barangay Poblacion 2, Tubay, Agusan del Norte bandang 9:00 ng umaga nito lamang Hunyo 14, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Rex Val Bardilas, Assistant CAD PNCO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Ericson C Paguirigan, Officer-In-Charge ng Tubay Municipal Police Station.
Nagkaroon ng Information Drive hinggil sa Republic Act 6975 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang kanilang epekto sa panahon ng paglulunsad ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP).

Nakilahok sa nasabing aktibidad sina Municipal Mayor Hon. Jimmy L Beray, DILG Mrs. Melchora A Grana, MADAC Focal person Mr. Niel Aparice, MSWD, Municipal Health Office, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Layunin ng aktibidad na mas palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at tibayan ang B.I.D.A o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan Program” upang mapanatili ang kaayusan ng buong mamamayan tungo sa isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen A Mallillin