Patuloy pang pinaiigting ng buong Police Regional Office 7 sa pangunguna ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director, ang Tripple A Program nito na nakaangkla sa kasalukuyang 5-Focused Agenda ng Pambansang Pulisya.
Ang Tripple A Program na may kahulugang (Able, Active at Allied) ang flagship program ni PBGen Aberin, na isinulong upang mas mapagtibay at magampanan ng maayos ang tungkulin ng bawat kapulisan sa buong Central Visayas.
Sa ilalim ng Able Program, tinutukan ng himpilan ang pagpapatupad ng karampatang pagsasanay ng bawat miyembro nito, kabilang na ang personnel morale and welfare activities. Sa Active Program, tinutukan ang patuloy na pagpapaigting ng iba’t ibang operasyon laban sa lahat ng uri ng krimen partikular na sa ilegal na droga at pagpapatupad ng batas. Habang sa Allied Program, sinisiguro ng himpilan ang maayos na ugnayan ng pulisya at mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga stakeholder at Non-Government Agencies.
Kabilang sa mga ipinapatupad na best practices ng PRO 7 alinsunod sa Tripple A Program, partikular sa Community Engagement ang Panginabuhian Alang sa Kababayen-an, Project AGAK, Project BOGO, Project HAW-AS, Project PALANGGA, at iba pa.
Samantala, muling pinaalalahanan ni PBGen Aberin ang lahat ng kapulisan sa rehiyon na isapuso ang sinumpaang tungkulin at pakakatandaan ang mga tagline na “Back to Basics” at “Service with a Smile”.
Panulat ni Pat Kher Bargamento