Arestado ng mga awtoridad ang isang tricycle driver sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Aborlan MPS sa Barangay Tagpait, Aborlan, Palawan bandang alas-12 ng tanghali nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si “Elmar,” 45 anyos, residente ng Barangay Magsaysay sa nasabing bayan. Nahuli ito matapos magbenta ng sachet ng hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis.
Bukod sa sachet na nabili sa kanya, nakumpiska rin kay Elmar ang limang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu matapos siyang kapkapan. Narekober din ang isang brown pouch na may lamang pera, isang maliit na kahon, at buy-bust money. Nabawi din sa drug suspek ang buy-bust money na ginamit ng mga awtoridad operasyon.
Ayon sa Aborlan Police, matagal nang sangkot si Elmar sa ilegal na droga at dati nang sumuko sa kanilang anti-drug campaign.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang naturang suspek.
Ang operasyong ito ay tanda lamang na ang kapulisan ay patuloy sa kanilang adhikain na wakasan ang paglaganap ng ilegal na droga at pagbuwag sa kanilang mga operasyon upang magkaroon ng ligtas at mapayapang komunidad.
Source: Aborlan MPS
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña