Iriga City, Camarines Sur – Nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive ang mga tauhan ng Iriga City Police Station sa Inorogan Tribe Settlement, Zone 7, Barangay Sto. Domingo, Iriga City, Camarines Sur nitong Martes Setyembre 6, 2022.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-28th National Crime Prevention Week na pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Emerlina Razonable, PCAD PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Alayan, Officer-In-Charge.
Kasama rin sa nasabing aktibidad ang mga Barangay Tanod, Inorogan Agta Tribe na pinamunuan ni Tribe Chieftain Mariano Dangay.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Source: Iriga CPS