Mandaluyong City — Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Mandaluyong City Police Station na nilahukan ng mga Advocacy Support Groups sa Barangay Barangka Ilaya Park, Mandaluyong City nito lamang Biyernes, Oktubre 7, 2022.
Ang naturang aktibidad ay naisagawa sa pamamagitan ng Station Community Affairs and Development Section sa pangunguna ng hepe nito na si Police Lieutenant Jurana B Ollaging kasama ang mga tauhan ng Sub-station 5 sa pamumuno naman ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Chief of Police ng Mandaluyong CPS.
Ang aktibidad ay nilahukan ng Makakalikasan Advocates, TUPAD, Barangay Officials ng Barangay Barangka Ilaya at Seminary Students (BEED) ng International Bible Church- Mandaluyong sa pangunguna ni Youth Leader Edward Gavin.
Nakapagtanim ang grupo ng 350 Bamboo Trees na siyang mainam na puno upang maiwasan ang malakas na hangin dulot ng bagyo.
Sinisiguro naman ng PNP na patuloy silang magsasagawa ng ganitong aktibidad kasama ang mga stakeholders, NGOs, KASIMBAYANAN allegiance, at mga Force Multipliers na siyang kapaki-pakinabang hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa kapaligiran.
Source: Mandaluyong CPS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos