Zamboanga City – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Zamboanga City Mobile Force Company, sa Barangay Talon-talon, Zamboanga City, bandang 8:00 ng umaga ng Hunyo 25, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro na Zamboanga City Mobile Force Company, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Felix Martinez Jr., Force Commander.
Ang mga Non-Government Organization katuwang ang PNP ay kaisa sa paghahatid ng serbisyo tungo sa mas ikakaunlad ng ating pamayanan.
Layunin nitong ipaalala sa mga mamamayan na ang pagtatanim ng mga punongkahoy ay makakatulong sa pag-iwas sa baha o landslide kapag may bagyo o kalamidad, at magbibigay ng preskong hangin at lilim sa mga hayop at mababawasan ang mga hindi kanais-nais na epekto ng pagbabago ng klima.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9