Tigbauan, Iloilo – Nagsagawa ng tree planting activity ang kapulisan ng Police Regional Office 6 kasama ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) sa Brgy. Linobayan, Tigbauan, Iloilo nito lamang umaga ng Biyernes, Ika-8 ng Hulyo, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Victorino Romanillos Jr. ng Regional Community Affairs and Development Division, Police Lieutenant Colonel Jojo Tabaloc ng Provincial Community Affairs and Development Unit, Police Lieutenant Mary Jane Panes ng Tigbauan Municipal Police Station at mga tauhan din ng Police Community Affairs and Development Unit 6 at 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company.
Lumahok din sa nasabing aktibidad ang Mayor ng Tigbauan na si Hon Virgilio Teruel, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, National Police Commission 6 (NAPOLCOM 6), Barangay Officials, Faith-Based Group, LGBT at mga residente sa nabanggit na lugar.
Matagumpay na nakapagtanim ang mga lumahok ng humigit-kumulang na 100 punla ng native tree.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang inilunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganaan ng likas na yaman ng kalikasan.
###