Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Ilocos Norte Police Provincial Office sa Solsona-Apayao Road, Barangay Manalpac, Solsona, Ilocos Norte nito lamang ika-2 ng Hunyo 2024.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng KKDAT Ilocandia Inc., Ilcos Norte Youth Development Office Scholars, at Barangay Ranger Officers sa Solsona-Apayao Road, Barangay Manalpac, Solsona, Ilocos Norte.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan.” At kung saan nakapagtanim ng 500 Narra seedlings.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kamalayan ang publiko sa kahalagahan ng pagtatanim para sa pagsasaayos ng kalikasan at pagpapanatili ng kagandahan ng kapaligiran.

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagpapahayag ng pangako sa pangangalaga sa kalikasan, kundi nagpapakita rin ng ugnayan ng PNP sa komunidad. Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, pinapatibay ng PNP ang kanilang papel bilang tagapangalaga ng kapayapaan at kalikasan sa bansa.