Lanao del Norte – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Sultan Naga Dimaporo PNP sa Brgy. Bauyan, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte nito lamang Biyernes, Oktubre 7, 2022.
Ayon kay Police Major Moamar Solog, Acting Chief of Police ng Sultan Naga Dimaporo Municipal Police Station, ang aktibidad ay nilahukan din ng mga guro ng Sultan Ali Dimaporo Memorial Integrated School (SADMIS) Elementary Level at mga mag-aaral.
Sa nasabing aktibidad ay nakapagtanim ng mga seedlings ng mga punong kahoy.
Ang Sultan Naga Dimaporo MPS ay hinikayat ang kanilang mga mamamayan na makilahok sa mga ganitong programa para mas mabilis makamtan ang panunumbalik ng luntiang kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Nicole Villanueva/RPCADU 10