San Manuel, Isabela – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang San Manuel PNP katulong ang mga Advocacy Support Groups sa Sitio Barangay Site, Eden, San Manuel, Isabela ganap na 9:00 ng umaga noong Abril 7, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Sunny Longboy, Officer-in-Charge ng San Manuel Police Station, Isabela Police Provincial Office kasama ang mga miyembro ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Advocacy Support Group at Criminology students ng Our Lady of the Pillar College – Cauayan at Isabela State University-Roxas.
Mahigit 200 narra at mahogany tree seedlings ang naitanim ng mga grupo sa nasabing barangay.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Layon nitong pangalagaan ang kalikasan at imulat sa komunidad ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, pagpapahayag ng ating pagmamalasakit sa kapaligiran, at bawasan ang hindi magandang epekto ng climate change.
Source: San Manuel PS Isabela
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin
Ang mga pulis ay tunay na maka kalikasan saludo kmi sa PNP