Nagsagawa ng Tree planting activity ang Naguilian PNP sa Brgy. Rang- ayan, Naguilian, Isabela nitong araw ng Martes, ika-29 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay bilang pagpapakita ng pakikiisa sa The 10K Tree Challenge na may temang “Samahang Makakalikasan ng Naguilian: Kapulisan, Kabataan at Mamamayan na kung saan 100 na coconut seedlings ang naitanim sa nabanggit na lugar.
Matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ng mga tauhan ng Naguilian Police Station sa pamumuno ni Police Major Junneil Perez, Acting Chief of Police kasama ang mga aktibong miyembro ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at mga opisyales ng naturang barangay.
Ang aktibidad ay isang paraan upang makatulong sa pagsugpo sa suliranin na dulot ng nakakalbong kagubatan katulad ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Source: Naguilian PS
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag