Dumayo ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station sa Barangay Caragsacan, Dingalan, Aurora upang magsagawa ng Tree Planting Activity nito lamang Sabado, Mayo 4, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Mandaluyong CPS sa pangunguna ni Police Captain Jurana B Ollaging, Chief, SCADS kasama ang Dingalan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Emilio I Dela Torre Jr, OIC.
Nakapagtanim ang mga ito ng maraming puno ng anahaw na makakatulong para sa ikalilinis ng hangin sa nasabing lugar.
Naglalayon ito na itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno nang makatulong na matanggal ang mga emisyon ng carbon atmospheric na gawa ng tao at mabawasan ang pagbabago ng klima.
Source: Mandaluyong Cps
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos